Dalawang US B-52H Stratofortress bombers ang lumipad sa loob ng 155 miles ng southern Chinese coast ayon sa media reports at ito ay tugon sa nakaraang military exercise na isinagawa ng China sa nasabing lugar. Ang operasyon ay unang napansin ng Aircraft Spots, isang Twitter account na sumusubaybay sa mga sasakyang panghimpapawid at mga flights ng US Air Force. Kinilala ng Aircraft Spots ang B-52s kasama ang mga palatandaan o call signs na HERO 01 at HERO 02 na umalis galing sa Anderson Air Force Base at patungo sa South China Sea. Ang dalawang B52s ay nagsagawa rin ng aerial refueling sa isang KC-135 tanker aircraft.
Ang dalawang bombers ay dumaan sa Bashi Channel sa pagitan ng bansang Taiwan at Pilipinas at dumiritso sa South China Sea hanggang lumapit ito sa Guandong province ng China, ayon sa Taiwan News.
Ang mga bombers ay lumibot sa Pratas Islands, na tinawag din na Dongsha Islands, nang halos isang oras bago magtungo sa Kadena Air Base sa Okinawa Japan ayon sa Asia Times. Ang nasabing isla ay kinokontrol ng Taiwan ngunit inaangkin rin ng China.
Ayon sa ulat ng Taiwan news, ang isinagawang flight operations ng dalawang bombers ay malapit lang sa cruise-missile range ng Chinese military. Ang Chinese news portal na Sina ay nagsabing ang mga B-52 bombers ay vulnerable sa mga Chinese radars at early-warning systems, pati na rin sa S-400 systems na imported pa mula sa bansang Russia.
0 Comments